Bagong guidelines para sa suspension, ipinatupad ng DepEd

Bagong guidelines para sa suspension, ipinatupad ng DepEd

Bagong guidelines para sa suspension, ipinatupad ng DepEd

| Miriam Capuno

Naglabas ng mga bagong guideline sa pagsuspinde sa klase ang Department of Education (DepEd) para mapanatili ang kaligtasan at mapagpatuloy ang pagkatuto sa gitna ng mga posibleng sakuna. 

Ayon sa DepEd Order No. 14, s. 2026, ginawa ito para masigurong ligtas ang lahat, maiwasan ang kapahamakan, at hindi maantala ang pag-aaral ng mga bata hanggang sa bumalik sa normal ang sitwasyon.

“When there is a calamity or crisis, our first question should be: are the children and teachers safe, and are they able to learn and teach? We cannot expect the same from them when the situation is normal and when they are experiencing danger, fear, or loss,” binigyang-diin ni DepEd Secretary Sonny Angara.

Hangad ng patakaran na ipatupad ang bagong  level-based decision-making system na kilala rin bilang Education in Emergencies (EIE) na binubuo ng apat na antas:  HAYO (Continue), HINAY (Ease in), HINGA (Check-in), at HINTO (Stop).

  • HAYO (Continue) – Ito ang karaniwang kalagayan: ligtas ang eskwelahan, walang sakuna, at karaniwan ang lagay ng panahon; sa mga lagay na ito, maaaring magpatuloy ang mga klase.
  • HINAY (Ease in) –  Mas flexible ang pag-aaral sa pamamagitan ng online classes, modules at iba pang alternatiba sa ilalim ng mga minoryang banta tulad ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Nos. 1 and 2, yellow rainfall warning, lindol na may Intensity IV at pababa, transport strikes, at opisyal na declaration of emergency ng national or local government authorities.
  • HINGA (Check-in) – Mas nakatuon sa kalagayan ng mga estudyante at guro kaysa sa pag-aaral, kung saan isinasagawa ang mga simpleng learning activities pag may TCWS No. 3, orange rainfall warning, power outages na nagtatagal mula dalawa hanggang tatlong araw, bomb threats, at mga viral/bacterial outbreak.
  • HINTO (Stop) – Pansamantalang itinitigil ang pag-aaral sa ilalim ng malaking panganib tulad ng TCWS No. 4, red rainfall warning, severe flooding, earthquakes of Intensity VI pataas, power outages sa loob ng apat o higit na araw, 42-52°C na init, hazardous air quality, digmaan, taggutom, tagtuyot, or pandemya.

Ayon sa Assistant Principal of Academics and Admission ng JCSGO Christian Academy (JCA) na si Gng. Marife Jagto, layunin ng programa na “panatilihin ang pagpapatuloy ng pag-aaral at maiwasan o mabawasan ang learning loss.”

Dagdag pa niya, magkakaroon ng malawakang pagpapakalat ng impormasyon sa pamamagitan ng Facebook posting at orientation sa mga magulang at mag-aaral upang matiyak na nauunawaan at maisasabuhay ng paaralan ang mga programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *