Tikim at Tanaw ng tradisyon: Kainang bayan at kasuotang pinoy inirepresenta ng GS at JHS

Tikim at Tanaw ng tradisyon: Kainang bayan at kasuotang pinoy inirepresenta ng GS at JHS

| Amery Comanda

Photos edited by Reine Depra, Daniel Doria

Mula sa hapag hanggang sa kasuotan, ipinakita ng mga mag-aaral ng JCA ang kanilang pagmamahal sa tradisyon sa programang “Kasuotang Pinoy” at “Kainang Bayan” noong Agosto 29, 2025.

Layunin ng programa na palalimin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa kultura at tradisyon ng iba’t ibang lalawigan. Bawat klase ay nagtalakay sa kanilang natutunan hinggil sa kasuotan at pagkain sa harap ng tatlong hurado.

Tampok ang kainan ng mga pagkaing Pilipino gaya ng pichi-pichi, chicharon, at iba pang espesyalidad mula sa iba’t ibang lalawigan.

Nagsuot din ang mga piling kalahok mula sa kaniya-kaniyang klase para sa “Lakan ng Wika” at “Mutya ng Wika” ng iba’t ibang tradisyonal na kasuotang Pilipino.

Ilang araw bago ang pagdiriwang, pinalamutian din ng mga mag-aaral ang kani-kanilang silid-aralan upang ipakita ang yaman ng kanilang itinalagang lalawigan.

Pinahalagahan ng patimpalak ang pagpapakita ng pagkamalikhain at kooperasyon ng bawat seksyon. Maraming magulang at guro ang nagpahayag ng suporta sa aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral.

Para sa mga guro, nagsilbing pagkakataon ang programa upang maipakita ng mga bata ang kanilang pag-unawa sa kasaysayan at kultura ng bansa. Ipinunto rin nila na mahalaga itong gawain upang maitaguyod ang pagmamahal sa sariling wika at bayan.

Matapos ang pormal na bahagi, nagpatuloy ang kasayahan sa pamamagitan ng laro, kantahan, panonood ng pelikula, at pagbibisita sa ibang seksyon. Naging makabuluhan ang pagdiriwang hindi lamang bilang kompetisyon kundi bilang pagdiriwang ng pagkakaisa at pagka-Pilipino.

Ihahayag sa unang Miyerkules ng Setyembre ang mga nagwagi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *