Mga nagwagi sa Buwan ng Wika, Pinarangalan; Mga guro ng JCA inalayan ng panalangin

Mga nagwagi sa Buwan ng Wika, Pinarangalan; Mga guro ng JCA inalayan ng panalangin

By: Yuri Naranja

Ginawaran ng parangal ang mga mag-aaral na nanalo sa mga kompetisyon para sa Buwan ng Wika na may temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya” nitong ika-11 ng Setyembre sa Seed Dome.

Binigyang parangal ang mga kampeon sa paligsahan ng Grade School (GS) Department at Junior High School (JHS) Department sa mga kategoryang: Family Feud, Pinoy Henyo, Tagisan ng Talento, Talumpating Di Handa, Kartulastas, at Awiting Bayan.

Narito ang mga klase na nagwagi sa ilan sa mga kompetisyon:

• 6-Humility, Choral Reading Champion

• 7-Magnificent, Choral Reading Champion

• 8-Wonderful, Choral Reading Champion

• 9-Mighty, Choral Reading Champion

• 10-Victorious, Choral Reading Champion

• 8-Awesome, Unang Parangal, Sayawit (Baitang 7-8 Category)

• 10-Gracious, Unang Parangal, Sayawit (Baitang 9-10 Category)

Iginawad din ang parangal sa mga mag-aaral na napili sa bawat seksyon para sa kategoryang ‘Kasuotang Pinoy’ at naitala naman ng 7-Marvelous at 10-Victorious ang tagumpay sa kategoryang ‘Piknikan sa Klase.’

Para sa Class Contest ng JHS Department, nanguna ang 10-Gracious para sa ‘Lead Class’ at ‘Creation Care’ habang nanguna naman ang 10-Glorious para sa ‘English Communicating Class.’

Para naman sa SHS Department, napasakamay sa 11-Shalom ang unang pwesto para sa ‘Lead Class’ at ‘English Communicating Class’ habang nakamit naman ng 12-Elohim ang ‘Creation Care Advocate Class.’

Iginawad din ang ‘Best in KK Class Award’ sa 2-Self Control, 5-Perseverance, 8-Awesome, 10+Gracious at 12-Jireh.

Sa pagtatapos ng pag-aanunsyo para sa mga pinong-pinong mag-aaral na nagwagi sa mga patimpalak, nagtipon ang mga presidente ng bawat klase upang ipagdasal nang taos-puso ang punong-guro at mga guro ng JCA para sa pagdiriwang ng Teacher’s Month.

Photos by: MJ Brioso, Gabb Soliman, Angelica Ibale

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *