Mag-aaral ng JCA, nagtagisan sa pagbigkas ng tula

Mag-aaral ng JCA, nagtagisan sa pagbigkas ng tula

| Reigne Concepcion

Photos edited by Rohan Binamra

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, isinagawa sa silid-aralan ng Baitang 1 – Kindness ang patimpalak sa pagbigkas ng tula ng mga estudyante ng grade school nitong Agosto 24, 2025.

Layunin ng programa na paigtingin ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa Wikang Filipino sa kabila ng pagkabihasa sa Ingles.

Ayon kay Bb. Leah Pidlaoan, nakatutulong ang patimpalak upang malinang ang kasanayan ng mga bata sa paggamit ng sariling wika.

“Isa itong paraan para mahasa ang kanilang pagbigkas,” dagdag pa niya.

Ibinigkas ng mga kalahok ang tulang “Ang Wikang Filipino” ni Samuel Knowell sa iba’t ibang malikhaing paraan.

Gumamit ang ilan ng props habang ang iba ay nagpamalas ng maayos na postura, at ang ilan ay nagpakitang-gilas sa pamamagitan ng makukulay na hand gestures.

Kabilang sa mga hurado ng patimpalak sina Bb. Marbie Estefania, Bb. Sheila Padilla, at Gng. Marife Jagto.

Iaanunsyo ang mga nagwagi sa unang chapel service ng buwan sa Setyembre 3, 2025.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *