
Kahusayan sa Wika ng JHS Students tampok sa Talumpating Di-handa
By: Ephraim Buenaflor
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa Junior High School Department ang kanilang kahusayan sa wika sa “Talumpating Di-Inihanda” nitong Huwebes, Agosto 22.
Ang bawat kalahok ay binigyan lamang ng limitadong oras upang ipahayag ang kanilang talumpati ukol sa sentral na tema na “Filipino: Wikang Mapagpalaya”.
Ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang matalas na pag-iisip sa pagpakita ng kahanga-hangang kumpiyansa at kasanayan sa wikang Filipino.
Photo by: Yana Domingo, Angelica Ibale




