
Kahusayan sa paggamit ng Filipino, pinaigting sa Sayawit, Sabayang Pagbigkas
By: Reigne Concepcion
Ipinakita ng mga mag-aaral sa Junior High School (JHS) department ng JCSGO Christian Academy (JCA) ang kanilang talento sa Sayawit at Sabayang Pagbigkas para sa Buwan ng Wika na may temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya” sa Seed Dome, nitong ika-29 ng Agosto.
Sinimulan ng mga mag-aaral mula sa ika-pito at ika-walong baitang ang Sayawit sa awit ni Lea Salonga na pinamagatang ‘Kanta Pilipinas,’ na sinundan ng Sabayang Pagbigkas ng mga mag-aaral sa ika -siyam at ikasampung baitang sa tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na ‘Wikang Filipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa.’
“Ang naging bunga ng gawaing ito sa mga mag-aaral sa JHS ay natutuhan nilang makilala at pahalagahan ang kulturang mayroon tayo. Bukod pa rito, nailabas ang kanilang iba’t ibang talento at pagkamalikhain dahil sa pagbuo nila ng konsepto sa gawain. Natutuhan din nilang magkaroon ng pagkakaisa at kooperasyon para sa ikatatagumpay ng gawain,” Pahayag ni Bb. Norlyn Ledesma, guro ng Filipino mula sa JHS.
Photos by: MJ Brioso, Gabb Soliman, Rodge Depra




