
JCA nagtagumpay laban sa SPUQC at SHSQC, umaakyat sa Pangatlong Pwesto ng AAPS
By: Yuri Naranja
JCA Womenโs Volleyball Team, namayagpag sa Athletic Association Of Private Schools (AAPS) laban sa St. Paul University Quezon City (SPUQC) at School of Holy Spirit of Quezon City (SHSQC), nitong ika-9 at 10 ng Pebrero sa Capitol Hills Christian School.
Parehong 2-0 ang iskor ng JCA laban sa dalawang katunggali, 25-17 at 25-19 para sa SPU at 25-13 at 25-19 naman sa SHSQC.
๐๐ฎ๐บ๐ฒ ๐ญ
Mabilis na nakuha ng JCA ang momentum sa unang set at nagpaulan ng apat na service ace si Atheena Penales at nagbida ng apat na atake si Jenny Reblando. Natapos ang unang set sa iskor na 25-17.
Dikit ang laban ng JCA at SPUQC para sa ikalawang set sa iskor na 11-11 hanggang 18-18
Nagpakawala naman ng dumadagundong at sunod-sunod na atake si Stella Cortez at Jenny Reblando para sa ikalawang set at tinapos ng JCA ang laban sa iskor na 25-19.
Nagkamit ng 11 na puntos si Jenny Reblando, anim na puntos para kay Atheena Penales at Stella Cortez, at apat na puntos para kay Keziah Boncan at Alex Mallari.
๐๐ฎ๐บ๐ฒ ๐ฎ
Mabilis na nakuha ng JCA ang momentum mula sa kalaban para sa ika-una at ikalawang set mula sa SHSQC.
Kinapos ang SHSQC sa ikalawang set at tuluyan nang napasakamay ng JCA ang pagkapanalo mula sa SHSQC sa iskor na 25-19.
Nagkamit ng anim na puntos na may kasamang limang service age si Atheena Penales kasama, limang puntos naman para kay Alex Mallari at Jenny Reblando, at apat na puntos at isang block galing kay Bea Bencio
Umarangkada ang JCA sa pangatlong pwesto sa AAPS nang makamit nila ang pagkapanalo mula sa SHSQC.
Photos by: Ameilie Ferrer, Clyve Owen Cabaddu


