
Indak at Awit: JCAians mula baitang pito at walo, nagpasiklab sa sayawit
| Reine Depra
Photos edited by Sophia Delos Trinos
Bilang pagsasabuhay ng tradisyon at kulturang Pilipino, lumahok at ipinamalas ang husay at talento sa Sayawit ng mga mag-aaral mula ikapito at walong baitang sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Skyline noong Huwebes, Agosto 22.
Pinangunahan nina G. Sundae Burce at Gng. Marife Jagto, mga Pinuno ng Akademiko, at si G. Edwin Mariano, guro mula sa Practical Music Course (PMC), ang paghusga sa pagtatanghal.
“Sa simula, nakakatakot at nakakakaba, pero habang kami’y nagtatanghal, nagiging masaya na ang karanasan,” wika ni Kiena Rutas, isa sa mga lumahok na mag-aaral.
Sa pagtatanghal, ipinakita ng mga kalahok na ang kanilang talento ay nagsilbing pagpupugay sa wika at sa kulturang Pilipino.
Iaanunsyo ang mga nagwagi sa paligsahan sa unang Chapel Service ng Setyembre.





