Ikalawang Araw ng JCA’s JHS Intramurals Boys’ at Girls’ Volleyball, ginanap nitong Martes

Ikalawang Araw ng JCA’s JHS Intramurals Boys’ at Girls’ Volleyball, ginanap nitong Martes

By: Thalia Abad, Samantha Moles

Ikalawang araw ng JCSGO Christian Academy (JCA) Junior High School (JHS) Intramurals 2024, ginanap nitong Martes, ika-20 ng Pebrero sa JCA Parking Lot.

Pingunahan ito ng Yellow Chevaliers at Green Prodigies, Blue Seraphim at Red Conquerors, at Violet Vanguards at Orange Embers.

𝗕𝗼𝘆𝘀 𝗩𝗼𝗹𝗹𝗲𝘆𝗯𝗮𝗹𝗹 – 𝗚𝗮𝗺𝗲 𝟭

Nagtagumpay ang Yellow Chevaliers laban sa Green Prodigies sa isang kapanapanabik na showdown, na may iskor na 2-0.

Nanguna si Zam Ma-ao para sa Chevaliers na may seven service aces at one attack, habang si Xyruz Mesa ay nag-ambag ng four attacks at two service aces na pinaigting ang tagumpay ng koponan.

𝗚𝗮𝗺𝗲 𝟮

Nasungkit ng Violet Vanguards ang panalo laban sa Orange Embers, na nakuha ang 2-1 set win, 19-25, 25-9, 15-3.

Namumukod-tangi mula sa Vanguards si Iñigo Dela Cruz, na nakakuha ng kahanga-hangang 23 service aces at two attacks. Samantala, si Andren Manlangit ay nag-ambag ng nine service aces.

𝗚𝗮𝗺𝗲 𝟯

Nagwagi ang Blue Seraphims sa isang matinding labanan kontra sa Red Conquerors, na may iskor na 2-1, 25-22, 21-25, 15-12.

Nagpakita ng gilas si Prince Pancho sa kaniyang 13 service aces para sa Seraphims, na sinuportahan ni Jacob Dizon, na nag-ambag ng four service aces at one attack. Habang si Jam Duque naman ay may three service aces at one attack.

𝗚𝗶𝗿𝗹𝘀 𝗩𝗼𝗹𝗹𝗲𝘆𝗯𝗮𝗹𝗹 – 𝗕𝗮𝘁𝘁𝗹𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗧𝗵𝗶𝗿𝗱

Isang matinding laban sa pagitan ng Orange Embers at Green Prodigies ang naganap sa semi-finals na umabot sa iskor na 17-25, 25-17, at 15-10.

Kahit nakahabol ang Prodigies sa ikalawang set ay nakuha pa rin ng Embers ang panalo sa tulong ni Renzy Rizano na nagpakawala ng 10 service aces.

𝗙𝗶𝗻𝗮𝗹𝘀

Naging mainit naman ang laban sa pagitan ng Yellow Chevaliers at Blue Seraphim na may iskor na 25-23 at 25-18 upang makamit ang korona sa finals.

Nakakuha si Atheena Penales para sa Chevaliers ng nine points na may kasamang five service aces.

Photos by: Clyve Cabaddu, Prince Cambri, Ameilie Ferrer, Aviona Villadolid, Angela Manahan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *