GS Poster at Slogan Contest: Daan sa payapang kinabukasan

GS Poster at Slogan Contest: Daan sa payapang kinabukasan

By: Prince Eliang

Kaniya-kaniyang nagpakita ng talento ang mga mag-aaral mula una hanggang ikaanim na baitang ng JCSGO Christian Academy (JCA) sa ginanap na Poster & Slogan Contest nitong Miyerkules, Oktubre 9.

Sa pamamagitan ng pagguhit na nakaangkla sa temang “Advancing Global Cooperation for Peace and Sustainability,” layunin ng kompetisyon na ipabatid ang kahalagahan ng sama-samang pagsisikap ng mga bansa upang isulong ang kapayapaan at protektahan ang kalikasan para sa pangmatagalang kinabukasan.

Sa nasabing paligsahang, nahasa ang pagkamalikhain at kritikal ng mga mag-aaral dahil sa mismong araw ibinigay ang tema ng kompetisyon.

Photos by: Yana Domingo, Gabb Soliman

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *