ECE naghandog ng kulay at kultura sa Buwan ng Wika

ECE naghandog ng kulay at kultura sa Buwan ng Wika

| Temarie Gabriel

Photos edited by Elise Tarrosa, Nathania Vigilancia

Nagtipon ang mga mag-aaral mula sa Early Childhood Education (ECE) upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika sa temang “Wika ng Pagkakaisa” sa Central Hall noong Biyernes, Agosto 29.

Itinampok ng ECE ang diwa ng pagkakaisa sa kanilang pagtatanghal suot ang barong, baro’t saya, at iba pang katutubong kasuotan.

Binuksan ang pagdiriwang sa pagbati ni Gng. Ruth Lacap, kasunod ang papuri at pagsamba na pinangunahan nina Jude Sikat, Jillian La Madrid, at Tehillah Bacol.

Nagpakitang-gilas ang Kinder PM sa awiting “Bahay Kubo,” ang Kinder AM sa “Awitin Natin ‘To,” ang buong departamento ng ECE sa “Ako’y Isang Pinoy,” at ang sampung piling mag-aaral ng Kinder AM at PM sa pagbigkas ng mga tulang sumasalamin sa kultura ng Pilipinas.

Kabilang sina Gng. Liza Reyes, Gng. Abelyn Sikat, Gng. Ruth Lacap, at Gng. Rovy Alicante sa pamamahala ng pagdiriwang.

Matapos ang presentasyon, lumahok ang mga mag-aaral at mga magulang sa mga larong Pinoy gaya ng pabitin, pukpok palayok, tumbang lata, limbo rock at pagbuhat sa prinsesa.

Ayon kay Gng. Liza Reyes, ang layunin ng programa ng ECE para sa Buwan ng Wika ay “kilalanin at mahalin ang bansang Pilipinas,” na isinabuhay ng mga mag-aaral sa kanilang pagtatanghal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *