Buwan ng mga Guro, ipinagdiriwang ng JCA

Buwan ng mga Guro, ipinagdiriwang ng JCA

By Yuri Naranja

Bilang tanda ng pasasalamat at pagpapahalaga para sa mga guro, ipinagdiwang ng JCSGO Christian Academy (JCA) ang Buwan ng mga Guro sa JCSGO Seed Dome, nitong Oktubre 2.

Nagsimula ang programa sa isang panalangin mula kay Shane Samson ng Junior High School. Sinundan naman ito ng isang special number ni Kensei Derick Sabatin, mula sa ECE Department.

Pinangunahan din nina Thalia Abad, SHS Student Council President, at Rica Manalo, SHS Student Council Vice President ang isang palaro na tinatawag na “Guess The Famous Line” para sa mga guro mula sa JCA upang magsilbing “ice-breaker” para sa nasabing programa.

Nag-alay rin ng isang awitin si Nickiesha Lucylle Pateño, mag-aaral mula sa Grade school at spoken poetry naman galing kay Gabriel Angelo Rios ng Junior High.

Nagbigay naman ng mensahe ng pasasalamat para sa mga magigiting na guro si Bishop Victoria C. Sebastian, School President, kasama si Gng. Cynthia Genon, ang School Principal na naghandog ng mga bulaklak at munting regalo sa bawat guro.

“The influence of the teacher could never be erased“ ani Bishop Sebastian.

Ang pagdiriwang na ito ay dinaluhan ng mga guro at mag-aaral na mula sa ika-1 na baitang hanggang sa ika-12 na baitang, at mga magulang ng JCA.

Sa pagtatapos ng programa, naghandog ng isang awitin ang SHS Voices para sa mga minamahal na guro.

📷 Renzelle Bersamin