
Awiting Pilipino ibinida ng GS Department
By: Samuelle Velayo
Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, idinaos ng Grade School (GS) Department ang patimpalak para sa pag-awit ng mga Awiting Bayan sa audio-visual room nitong Agosto 27.
Nagtagisan sa pag-awit ang mga mag-aaral mula ikalawa hanggang ika-anim na baitang, sa pangunguna ng mga guro mula sa GS Department at ilang miyembro ng PMC bilang mga hurado.
Ilan sa mga awiting itinanghal sa kompetisyon ay ang “Pilipinas Kong Mahal,” “Bayan Ko,” at “Dakilang Lahi.”
Photos by: Rodge Depra, Gabb Soliman



