ASAPS-READY: JCA Varsity, patuloy pag-eensayo sa gitna ng ISAAL

ASAPS-READY: JCA Varsity, patuloy pag-eensayo sa gitna ng ISAAL

| Jalile Estuesta

Photos edited by Yana Domingo, Princess Idulan

Sino ang susunod na magwiwisik ng galing?

Nitong Agosto, ibinuhos ng JCA Men’s Volleyball at Badminton Team ang lahat matapos sumabak sa entablado ng 2025 Inter School Academic and Athletic League (ISAAL) sa kabila ng patuloy na pag-eensayo.

Matapos magpahinga mula miyerkules, nakamit ng JCA Men’s Volleyball Team (MVT) ang kanilang unang panalo noong Agosto 16, habang inuwi ni Renzy Rizano, Captain ng Badminton Team, ang tansong medalya sa parehong liga ng Agosto 9.

Mala-roller coaster ang ipinakita ng MVT sa unang set nang sila ay madalas mag-commit ng unforced errors dala ng extended rest, ngunit hindi ito hadlang nang makarekober agad ang koponan para madomina ang laro, 25-15, 25-14.

“Laging sinasabi sa’min ni coach na ipasok lang service namin at ayusin blockings para magkaroon ng maayos na defense pattern sa backrow. Medyo rough ‘yong game siguro dahil nagkaroon kami ng first game jitters,” banggit ni Daniel Sunga.

Agad namang tumawag ng time-out si Coach RJ Austria upang bigyan ng mga salitang pampatibay-loob, paraan para masira at mapalitan ang kanilang negatibong momentum ng init sa laro.

Samantala, pinakita naman ni Rizano ang disiplina at determinasyon sa kaniyang kompetisyon sa kabila ng kaba dahil sa pressure at emosyon, pagka-uhaw, at pagsakit ng baywang.

“Masasabi ko na finest performance ko iyon dahil kahit mahirap, ipinakita ko pa rin ang disiplina at determinasyon. Hindi pa roon nagtatapos ang paghahanda namin kaya patuloy kaming nag-te-training.”

“Sabi nga ni Coach Faye sa amin, ang tuloy-tuloy na pag-te-training ang tutulong sa amin para mas maging mahusay at matatag sa bawat laban na haharapin.”

Sasabak din ang paaralan sa larangan ng arnis at swimming sa ISAAL.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-ensayo ng JCA Basketball, Volleyball, Badminton, at Individual Sports Team para sa mga paparating nilang laro sa ISAAL at Athletic and Sports Association of Private Schools in Quezon City (ASAPS).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *