
Kumukutikutitap: Liwanag ni Kristo, tumatak sa puso ng JCAians
| Phoebe Domingo
Bilang paggunita sa diwa ng Pasko, ipinagdiwang ng mga mag-aaral mula Junior High School (JHS) ang Thanksgiving Program na may temang “Kumukutikutitap: Liwanag ni Kristo sa Paskong Pinoy” sa Seed Dome nitong Disyembre 18.
Binuksan ang programa sa pamamagitan ng opening remarks ni Gng. Cynthia Genon, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pasasalamat at pagbabahagi ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Pinangunahan nina Miriam Capuno at Jayden Tuñacao ang daloy ng programa, na sinundan ng isang masiglang intermission number mula sa Practical Music Course (PMC) Voice na binubuo ng mga mag-aaral mula ika-7 hanggang ika-10 baitang.
Tampok sa selebrasyon ang iba’t ibang patimpalak tulad ng Best Parol, Poster Making Contest, at Christmas Carol Competition, kung saan nanguna ang Grade 8 Wonderful at Grade 10 Gracious sa kani-kanilang kategorya.
Sinuri ang mga pagtatanghal nina G. James Bryan Escoto, Bb. Klouney Ogatis, at G. Johanne Sebastian, na nagbigay ng patas na ebalwasyon sa mga kalahok.
“Talagang naging di malilimutan ang Christmas party ngayong taon. Ito ay nagbigay sa akin ng pahinga mula sa stress sa paaralan at nagpapaalala kung gaano kahalaga ang mag-enjoy sa simpleng mga sandali nang magkakasama,” bahagi ni Joshua Pastor ng Grade 10–Victorious,
Pinangunahan ang programa ng Supreme Student Government (SSG) sa ilalim ng paggabay ni G. Zael Tan at Bb. Adah Bergante.






