
SHS Kamayan, ipinakita ang pamanang Pinoy gamit kultura at tradisyon
| Audrina Webb
Photos edited by Princess Idulan, Angelica Ibale
Nakibahagi ang lahat ng seksyon mula sa Senior High School (SHS) Department sa pagtatapos ng selebrasyon ng Buwan ng Wika sa pagkatawan sa bawat rehiyon at kultura ng bansa kasama ang Kamaya nitong Biyernes, ika-29 ng Agosto.
Itinanghal ngayong taon para sa Kamayan ang mga piling mag-aaral mula sa bawat klase at ang rehiyon na kanilang inirepresenta:
11 – Shammah: Jelena Sabino at Karl Dawal – Mimaropa
11 – Shalom: Jhyren Fajardo at Luke Jagto – Central Visayas
11 – Shiloh: Trixia Caratao at Carl Castro – Cagayan Valley
11 – Elyon: Irixmae Lacea at John Mark Briones – Calabarzon
12 – Elohim: Bianca Del Rio at John Christian Ojos – Cordillera
12 – Jireh: Nicola De Guzman at Jalile Estuesta. – Central Luzon
Ipinakita ng bawat seksyon ang kanilang hanay na mga pagkain at inumin, pati ang mga kasuotan at sayaw. Pagkatapos ng kanilang pagtatanghal, binigyan nila ng pagkakataon ang mga hurado na tingnan ang mga pagkain at disenyo ng kanilang mga silid-aralan.
Kabilang sa mga hurado para sa Kamayan ngayong taon ay sina Sir Sam Soliven, Sir Sundae Burce, Sir Andy Sabangan, Ms Kristine Psalm at si Ms. Marbie Estafania.





