Student orientation, isinagawa ng JCA para sa balik-eskwela

Student orientation, isinagawa ng JCA para sa balik-eskwela

| Jhon Paul Fabiaña, Jonah Borromeo 
Photos edited by Prince Eliang

Upang maihanda at magabayan ang mga mag-aaral ng JCSGO Christian Academy (JCA) sa pagbabalik ng klase, nagsagawa ng orientation sa bawat silid ang mga gurong tagapayo ngayong araw, Hunyo 22. 

Layon nitong ipaalala sa mga estudyante ang mga impormasyong dapat nilang malaman tulad ng mga alituntunin ng paaralan, nilalaman ng student handbook, batayan ng pagmamarka, atbp.

Bago ang nasabing orientation, opisyal munang binuksan ni Ginang Cynthia Genon, punongguro ang taong panuruan 2025-2026 sa kauna-unahang Christian Flag Ceremony. 

Ayon kay Princess Balanga, isang mag-aaral mula sa 10-Glorious, maaga siyang naghanda sa larangang akademiko at mental upang maging aktibo ang kaniyang isip habang bakasyon.

“I did a bit of advanced studying, especially on subjects that I like and needs some improvement so I won’t get overwhelmed once classes start.”

Tampok din ang photobooth at mainit na pagbati bilang tradisyon ng paaralan para sa mga Senior High School student na pinangunahan ni Ginang Linnie B. Bergante, puno ng kagawaran ng SHS, at ng Supreme Student Council (SSC)

“Ang wish namin ay mag-stay sila sa JCA nang masaya, komportable, ma-enjoy nila yung pagiging senior high school dito sa JCA, at magkaroon sila ng matiwasay na pag-aaral,” mensahe ni Gng. Bergante.

Inaasahan naman na ang lahat ay makasusunod at magkakaroon ng makabuluhang taon ng pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *