
‘Vaping: Risk o Reward’: Epekto ng paninigarilyo at paggamit ng vape sa katawan, nilinaw
By: Prince Eliang
Bilang pagtuturo sa panganib ng paninigarilyo at paggamit ng vape, isinulong ng Guidance Office, Discipline Office at School Health Services kasama si Dr. Frederick Christian Calamaan, doktor ng JCSGO Christian Academy (JCA), ang seminar na “Think Before You Puff: The Truth About Vaping,” sa Audio-Visual-Room ngayong Pebrero 14.
Ayon sa Discipline Officer na si Gng. Lourdes Borromeo, nasa pito hanggang walo ang kumpirmadong kaso ng paggamit ng vape sa Senior High Shool Department kaya’t nakipagtulungan ang Guidance at School Health Services upang i-organisa ang programa.
Layunin ng programang ito na ipaalam sa kabataan ang mga posibleng sanhi ng vape at paninigarilyo, at makaiwas sa paggamit nito sa murang edad.
Inirekomenda ni Dr. Calamaan na maaaring tawagan ang 1558 o DOH Quitline and Cessation para sa mga handa nang huminto sa paggamit ng vape at sigarilyo.
Dagdag pa niya, makatutulong ang bawat indibidwal sa kanilang kakilala na may adiksyon dito sa paraang pagpapaalala sakanila ang mga sintomas na dulot nito.
Idiniin ni Bb. Sheila Padilla, Institutional Development Officer, na ginawa ang programa upang makatulong sa kabataan—hindi bilang isang kaaway, kundi kakampi na handang tumulong upang wakasan ang adiksyon sa paggamit ng vape at sigarilyo.
Photos by: Gabb Soliman



