
Kultura, tradisyon ng ilang rehiyon sa Pinas, binida ng SHS Department
By: Troy Melegrito
Bilang pagtatapos sa Buwan ng Wika, ipinakita ng bawat seksyon mula sa Senior High School (SHS) Department ang iba’t ibang kultura at tradisyon ng ilang rehiyon sa bansa nitong Biyernes, Agosto 30.
Nagsagawa ng kanya-kanyang presentasyon ang bawat seksyon sa pamamagitan ng mga naaayong kasuotan, pagkain, sayaw, at pagbati sa mga hurado gamit ang wika ng rehiyon na kanilang inirerepresenta. Sinundan ito ng “Kamayan” kung saan ay nagsalu-salo ang bawat pangkat at naghandog ng mga pagkain mula sa kanilang mga rehiyon.
Inirepresenta ng 11-Elyon ang Central Luzon, 11-Shalom sa Northern Luzon, at 11-Shiloh para sa mga Rehiyon sa Visayas. Habang kumakatawan naman ang 12-Elohim sa Bicol Region, at 12-Jireh sa mga Rehiyon sa Mindanao.
Sina Gng. Anne Raca, Accounting Head, Bb. April Niñalga, ICT Head, Gng. Lourdes Borromeo, Discipline Prefect, G. Sundae Burce, Grade School Academic Head, at Gng. Marife Jagto, Junior High School Academic Head, ang mga naging hurado.
Photos by: MJ Brioso




