Sabayang Pagbigkas: Daan ng GS students upang tangkilikin ang sariling wika

Sabayang Pagbigkas: Daan ng GS students upang tangkilikin ang sariling wika

By: Prince Eliang

Nagpakitang-husay ang mga estudyante mula sa ikaapat hanggang ika-anim na baitang sa ginanap na Sabayang Pagbigkas sa Seed Dome, Agosto 29.

Sa temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya,” ipinadama ng mga estudyante ang pagiging malaya ng wikang Filipino at ng bansa sa pamamagitan ng pagkanta ng “Ako’y Isang Pinoy” ni KZ Tandingan.

Ilan sa mga pamantayan ng mga hurado ay ang pagsasalita, pagkanta at pagtutulungan upang maging matagumpay at kapuri-puri ang pagtatanghal.

“Masaya po kasi pinaghihirapan po namin ito at pinag praktisan pa, tas sinacrifice parang ginamit po time ng mga ibang subjects para po praktisin yung sabayang pagbigkas, and nagawa naman po namin nang maigi,” reaksyon ni Reine Julianna Depra ng 6-Humility sa kanilang pagtatanghal.

Photos by: Robert Lazaro, MJ Brioso

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *